Akala ko ba bakasyon na ako?

‘Di ko lubos maintindihan kung bakit naiinis ako ngayon.

Pero eto ang sigurado ako. ‘Di ako naiinis dahil nalaman kong finalist pala ako sa isang major subject ko dahil medyo naramdaman ko na yun pagkatapos palang nung pangatlong pagsusulit namin. ‘Di ko rin alam kung sapat bang rason na mainis ako dahil parang walang may pake sa pagiging finalist ko sa subject na ito. Dahil pagkatapos kong sabihin sa mga taong malapit sakin ay tila wala man lang silang sense of care or pagaalala sakin. Mas lalo akong nasaktan nung sinabi ko ito sa papa ko. Bakit ang una niyang tanong sakin ay “Bakit?” Bakit daw nagkaganon? Bakit ganun ang nangyari? Para bang pinaparating niya na may mali akong ginawa kaya kailangan ko pang maghabol ng grado. Ang totoo naman kasi ay di ko rin alam. Di ko rin aakalain na aabot ako hanggang sa finals dahil alam kong ginawa ko ang best ko sa subject na ito. Ngunit mukhang minaliit ko ata masyado, ayon binawian ako.

Dahil din ata sa pangyayaring eto ay na-validate ko yung paniniwala ko na walang nakakaalala sakin o walang may pake sakin. Natatawa ako, dinidibdib ko ata masyado yung di pag-contact sakin ng aming instructor para man lang maabisuhan kami na kami pala ay mag-fafinalsAng dating kasi sakin ay para bang ‘di ako karapatdapat na makaalam nun. Parang wala silang pake sakin kung ipapasa ko ba ito o hindi. Meron pa bang may pake sakin?

Sana lang ay pagdating ng Lunes ay maging handa ako. Sana kinabukasan tanggap ko na na finalist ako, na hindi ako nasabihan agad, o na hindi ko man lang chineck. Sana matapos ko ‘tong sem ko na ‘to nang matiwasay at walang pagsisisi.

Bawat Gabi

May mga piling gabi kung saan tayo ay nagtatagpo sa dilim—planado man o biglang napag desisyunan. Kung iisipin ng iba ito ay mga gabi kung saan tayo’y naghahanap ng makakasama, mga gabi na tayo ay magisa, mga gabi na ang hanap natin ay isa’t isa. Pero sila’y nagkakamali dahil itong mga gabi, kung saan ika’y aking katabi, ay mga gabi na hanap ay ang katawan ng isa’t isa. Ito ay yung mga gabi na wala na tayong pakielam sa sasabihin ng iba. Ito’y mga gabi na pinairial natin ang uhaw ng isa’t isa.

Ang unang mga gabi ay punong-puno ng pagdududa. Hindi natin alam kung ang atin bang ginagawa ay mali o may unting pagkakatama. Tayo ay natatakot sa posibleng sinasabi ng iba pero alam natin sa sarili natin na hindi ito ang katotohanan. Ikaw ay tila ba nabababagabag tuwing nangyayari eto gabi-gabi. Ako, eto, ginagawa lamang ang mga ito dahil ayaw na ata kita pakawalan pa.

Habang tumatagal ay nagiging kumportable na tayo sa isa’t isa. Galawan natin ay hindi na limitado, pagkikita natin ay nangyayari tuwing linggo-linggo. Tayo ay tila ba magkasintahan lamang tuwing tayo ay nagkikita sa mga gabing katulad nito, pero alam natin ang katotohanan, na iyon lamang ay isang mapaglarong biro. Pero ang ating pagsasama ay hindi ganun ganun lamang. Ang ating pagsasama ay para bang isang laro ng buhay kung saan tayo ay bida.

Sana lamang ay dumating ang isang gabi, na ika’y mapapatingin sa akin at maaalala mong hindi nga pala tayo isang laruan lamang. Tayo ay mga tao na merong nararamdaman. Tayo ay mga taong hindi basta basta ang nararamdaman. Tayo ay mga tao. Tayo ay mga tao at kailangan natin ang isa’t isa. Ikaw, kailangan kita.

Eto nanaman ako

Pinagiisipan

Kung ikaw nga ba ay susulatan

Di naman kasi yun ang aking pinangako

 

Di parin ba ako susuko?

Tanong sa sarili ng paulitulit

Sa mga panahong hindi ko masulit

Ang pagusapan ang aking puso

 

Ikaw, ano sa tingin mo?

Ang makakapagintindi

Netong pasakit na nananatili?

Nananatili, sa bibig ko…

Huwag Na Katotohanan

Mata nati’y nagkatitigan
Tila ba may gusto kang sabihin
At ako ay may gusto ring sabihin
Nagpatuloy ang ating titigan
At dun na nga
Tayo ay nagkaintindihan

Ako’y tumayo, Ika’y tumayo
Ako’y naglakad, Ika’y sumunod
Ako’y pumasok, Ika’y pumasok
Tumigil ang ating mga paa
At ang labi natin at nagtagpo

Sa isang madumi na kwarto
Kung saan nilalabas natin
Ang ating mga kadumihan
Kung saan nilalabas natin
Ang ating mga kagandahan
At kung saan ako’y iyo’y hinawakan

Hinawakan mo ang aking kababaihan
Mabagal, malambot, matamis
Akala ko tuloy ako’y gusto mo
Dahil sabi mo, “masarap…masarap”
Tuluyan na akong namatay

Namatay dahil ika’y nawala
Namatay dahil sa paglamig
NAmatay dahil wala na ang buhay
Ang nagbubuhay
Ang nagpapainit
Sa puso at kababaihan

Ang iyong halik ay di makakalimutan
Ang iyong tingin ay mahirap kalimutin
Ikaw ay hindi ko kakalimutan
Dahil tangina mo,
Iniwan mo ako ngayon

Mula Sa Isang Puso Na Wala Sa’yo

Ang tagal naman ng oras
Hindi ko na alam kung paano
Sasabihin sa’yo na, saw akas
Ikaw na nga ang hinahanap ko

Parang kahapon lang nang ika’y aking nakita
Nakangiti at nakatawa
Tila wala akong ibang makita
Kundi ang ‘yong masayang mga mata

Ngunit may pumipigil sa akin
Parang ayaw ko na ata
Wala nga naman namamagitan sa atin
Nasaan na nga ba ang pag-asa

Pero ano ba ang mangyayari
Kung ako’y tahimik na mananatili
Pag ito ay di ko masasabi
Patuloy akong manggagalaiti

Kaya’t sa huling pagkakataon
Sasabihin ko na sa’yo
Puso ko’y tumatalon
At ikaw lamang ang gusto

April 8, 2016 5:09PM